Ang Mga Sinaunang Kabihasnan
Kabihasnan Sa Mesopotamia
*Ang Kabihasnan ay ang rurok ng tagumpay at kakayahan ng isang pamayanan o kalipunan ng mga tao.
*Ang mga batas ay kailangang ipaalam sa mga mamamayan upang kanilang masunod.
*Ang mga batas ay kailangang ipaalam sa mga mamamayan upang kanilang masunod.
*Ang sistema ng pagsusulat ay nakatutulong upang mapangalagaan,maibahagi, at patuloy pang mapaunlad ang kaalaman.
Simula ng Kabihasnan sa Mesopotamia
Heograpiya
Heograpiya
Ang lambak ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus sa Hilaga at ng Kabundukang Zagros sa silangan.Ang hangganan naman ng Mesopotamia sa Timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa Timog-silangan ay ang Golpo ng Persia.Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang griyego na ang kahulugan ay "Lupain sa pagitan ng mga ilog." Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates.Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa mga ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya.(credits Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig)
Polynesia
Ang Mapa ng Fertile Crescent
Ang Mga Unang Imperyo
*Akkadian
Ang Imperyong Akkadian IPA: /əˈkeɪdiən/[2] ang imperyo na nakasentro sa siyudad ng Akkad IPA: /ˈækæd/[3] at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala. [4]
Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo. [5] Unti unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE.[6] Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politik anito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad(2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan [7] bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.(credits.wikipedia)
Busto ni Sargon The Great
*Babylonian
Ang Babilonya o Babilonia[1] ay isang makasaysayang lungsod-estado na naging imperyo saGitnang Silangang Asya. Isa itong lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al Hillah, Lalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), saIrak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.(Credits Wikipedia)
*Assyrian
Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa.[1]
Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Asiria ay isang rehiyon sa Ilog ng Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (Akkadiano: Aššur; Hebrew: אַשּׁוּר Ar,Arameo: Aṯr). Di-naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Matabang Kresyente, Ehipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawagang "mismong Asiria" sa hilagang hati ng Mesopotamya (ang timog na hati ay ang Babilonya na ang Nineveh ang kabisera).
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Asirio ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariangMatanda (ika-20 hanggang ika-15 dantaon BK), Gitna (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BK), at Neo-Asirio (911-612 BK), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.(credits wikipedia)
*Chaldean
Ang mga Caldeo[1] (ng Caldea) ay tumira sa mga lambak sa may timog ng Mesopotamya, ang ibang tribe ay tumira sa timog ng Borsippa at may tumira din sa Elam, Asya. Ang kanilang organisasyon ay tribo, at ang mga bitu o bahay ng mga Caldeo ay sumasailalim sa pamumuno ni shaikh na noong mga panahong iyon ay tinawag ang kanyang sarili bilang hari. Ngunit ang mga tribo at hukbo doon ay hindi nagpatalo, pinasok ng mga Medes ang Mesopotamia. Ang emperador ng Asiria ay mahina at walang hari noon sa Babilonya dahil may digmaan. Kinuha ni Nabopolassar, isang Caldeo, ang oportunidad at prinoklama ang kanyang sarili bilang hari ng Caldea. Ang paghahari ng mga Caldeo ay tumagal ng 87 taon. Bumagsak ang Caldea at pinagsama sa Persiya bilang Persang Babilonya.(credits wikipedia)
Relihiyon
Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politieskong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3,000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay. Ang pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si Enlil, ang diyos ng hangin at ng mga ulap. Si Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng kaliwanagan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Ang pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masasamang Ugdug na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.(credits Pagtanaw at Pag-unawa: Daigdig)
Kabihasnan sa Egypt
Simula ng Kabihasnan ng Egypt
Noong Unang Panahon may na diskubre ang mga naninirahan sa Egypt na ang mga Bituin ng Syrius ay ang gamit nila bilang kalendaryo.
(credits DONDAN)
May mga ibat ibang mga pinuno na pinagdaanan ang mga tao sa Egypt at ang tawag sa ninuno ng kanilang kaharian ay ang PARAON sila din ang tinutukoy nilang diyos.
MENES
-namuno noong 1300 BC
-itinaguyod ang unang Dinastiya sa Egypt
-itinatag angKabisera ng Memphis
-sa kanyang kapanahonan ay nagkaroon ng 31 na dinastiya at ito ay hinati sa Lumang Kaharian,Gitnang Kaharian at Bagong Kaharian
Ang PIRAMIDE o PYRAMID ay ang libangan ng mga paraon. Ang unang Piramide ay ang Piramide ni Djoser.
GITNANG KAHARIAN
MENTUHOTEP
-pinalakas ang sentrilisadong kalakalan at pamahalaan
-tinatawag din na "Panahon ng Maharlika"
BAGONG KAHARIAN
AHMOSE I
-nagpatalsik sa mga Hykos
-sinakop niya ang Nubia at Canaan
-ang kapanahonan din niya ay tinatawag na "Panahon ng Imperyo"
Reyna Hatsepshut
-unang babaeng Paraon
-nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt
-namuno sa loob ng 19 na taon
THUTMOSE III
-siya ang humalili kay Reyna Hatsepshut
-sinakop ang Ehipsiyo hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang timog ng Nubia
TUTANKHAMUN
-ang pinakabatang Paraon
-ang kanyang pagkamatay ay isang misteryo
-may limang bahagi ang lalagyan ng kanyang kabaong
-ang hawak niya sa kaliwa ay tintawag na "crook" sa kanan naman ay "flail"
RELIHIYON
DIOSES EGIPCIOS 2
-mahigit 2000 ang mga diyos ng Ehipsiyo
RA
-Diyos ng Araw at Asawa
HORUS
-Diyos ng Liwanag
ISIS
-Diyos ng mga Ina
Naniniwala sila na kapag sila na matapos ang kamatayan ay hinuhusga kung saan sila mapupunta. Ang Mangangain ng Kaluluwa at ang Paraiso.
HIEROGLYPHICS
-sistema ng kanilang pag-sulat
PAPYRUS REEDS
-ginagamit bilang papel noong unang panahon
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
HEOMETRIYA
-lumikha sila ng sistema na nakasulat na numero para sa pagbibilang ng buwis, produkto at iba pa
-gumamit din ng mga makalumang paraan ng heometriya sa pagsukat ng kanilang lupain
-mahusay sila sa matematika
KABIHASNAN SA INDIA
Sa Hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan ng matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoram at Himalaya na pinagmumulan ng tubig sa ilog. Ang katangi tangi sa kabihasnan ng mga Indus ay ang pagsasaayos ng kanilang lungsod. Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong GRID SYSTEM, kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain ng pagtatayuan ng mga tahanan at ibang estruktura.
ANG BUDDHISMO
Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasalukuyang Nepal.
IMPERYONG MAURYA
Ang Imperyong Maurya ang isang malawak sa heograpiyangpanahong Bakal na kapangyarihang historikal sa Sinaunang India na pinamunun ng Dinastiyang Mauryano mula 322 BCE hanggang 185 BCE. Ito ay nagmula mula sa kaharian ng Magadha sa mga kapatagang Indo-Gangetiko(modernong Bihar), silanganing Uttar Prades at Bengalsa silanganing panig ng subkontinenteng Indiano. Ang kabisera ng imperyong ito ay sa Pataliputra (modernong Patna).[1][2] Ang Imperyong Maurya ay itinatag noong 322 BCE ni Chandragupta Maurya na nagpatalsik sa Dinastiyang Nanda at mabilis na nagpalawak ng kanyang kapangyarihan pakanluran sa ibayong sentral at kanluraning India na sumantala sa mga pagkagambala ng mga kapangyarihang lokal kasunod ng pagurong pakanluranin ng mga hukbong Griyego at Persa(Persian) ni Dakilang Alejandro. Noong 320 BCE, ang imperyo ay buong sumakop sa Hilagang-kanlurang India na tumalo at sumakop sa mgasatrap na naiwan ni Dakilang Alejandro.[3] Ito ay may lawak na 1 bilyong acre at isa sa pinaka-malaking mga imperyo sa panahon nito at ang kailanman pinakamalaki sa subkontinenteng Indiano. Sa pinakamalaking saklaw nito, ang imperyo ay sumaklaw sa hilaga kasama ng mga natural na hangganan ng mga Himalaya at sa silangan na sumasaklaw sa ngayong Assam. Sa kanluran, ito ay sumakop ng lagpas sa modernongPakistan na nagdagdag ng Balochistan, timog silangang mga bahagi ngIran at karamihan ng ngayong Afghanistan kabilang ang modernong mga probinsiyang Herat at Kandahar. Ang imperyo ay lumawak sa mga rehiyong sentral at katimugan ng mga emperador na sina Chandragupta at Bindusara ngunit hindi isinama ang isang maliit na bahagi ng hindi nagalugad na mga rehiyong pang-tribo at magubat malapit saKalinga(modernong Odisha) hanggang sa masakop ito ni EmperadorAshoka. Ang pagbagsak nito ay nagsimula pagkatapos ng 60 taon ng matapos ang pamumuno ni Ashoka at nagwakas noong 185 BCE sa pagkakatatag ng Dinastiyang Sunga sa Magadha.
Sa ilalim ni Chandragupta, ang imperyong Maurya ay sumakop sa rehiyong trans-Indus na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Macedonian. Pagkatapos ay tinalo ni Chandragupta ang pananakop na pinamunuan ng Griyegong heneral mula sa hukbo ni Dakilang Alejandro na siSeleucus I Nicator. Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito, ang panloob at panlabas na kalakalan, mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya, pamamahala at seguridad. Pagkatapos ng Digmaang Kalinga, ang imperyo ay nakaranas ng kalahating siglong kapayapaan at seguridad sa ilalim niAshoka. Ang Mauryanong India ay nagtamasa rin ng panahon ng pagkakaisang panlipunan, pagbabagong panrelihiyon at paglawak ng mga agham at kaalaman. Ang pagyakap ni Chandragupta Maurya saJainismo ay nagpataas ng muling pagbabagong panlipunan at panrelihiyon at reporma sa buong lipunan samantalang ang pagyakap ni Ashoka sa Budismo ay naging saligan ng paghahari ng kapayapaang panlipunan at pampolitika at kawalang-karahasan sa buong India. Tinangkilik at itinaguyod ni Ashoka ang pagpapalaganap ng Budismo sa Sri Lanka, Timog silangang Asya, Kanlurang Asya at EuropangMediterraneo[3]
Ang populasyon ng imperyogn Maurya ay tinatayang mga 50 hanggang 60 milyong na gumagawa sa imperyong ito na isa sa pinakamataong mga imperyo sa panahong ito.[4][5]
Sa arkeolohiya, ang panahon ng pamumunong Mauryano sa Timog Asya ay nahuhulog sa mga kapanahunang Northern Black Polished Ware (NBPW). Ang Arthashastra at Mga kautusan ni Ashoka ang mga pangunahing sanggunian sa kapanahunang Mauryano. Ang Leong Kapital ni Ashoka sa Sarnath ang ginawang pambansang emblem ng India.(credits wikipedia)
IMPERYONG GUPTA
Ang imperyong gupta ay nagsimula noong 320 p.k sa hilagang India. Puro mga katutubong mga taga- India ang mga kasapi ng imperyong ito, hindi tulad ng mga dayuhang Kushana. Ang pinakapuno ng mga Gupta ay si Chandragupta I (naghari, c. 320-330).
KABIHASNAN SA CHINA
Heograpiya
Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa Hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko.
MGA UNANG DINASTIYA
Dinastiyang Hsia
-Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga pamayanan sa paligid ng Huang Ho. Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko. Sa pamumuno ni Yu, nagsagawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha ng ilog.
Dinastiyang Shang
-Ang Dinastiyang Shang o Dinastiyang Yin ay ang itinuturing bilang isang pinakaunang totoong imperyo sa Tsina. Sa una, pinaniniwalaang isang alamat lang ang Shang, pero nang madiskubre ng mga Intsik na gumamit sila ng mga butong orakulo, dito napatunayang totoo ang Shang.Ito ay nagtagal sa loob ng 1766 BCE hanggang 1122 BCE.Ang dinastiya ring ito ay pinamunuan ni Emperador Tang. Isa nang halimbawa ng mga ambag nito ay ang paggawa ng mga kagamitang bronse,palayok,banga at ang pagbabasa ng emperador sa mga "oracle bone" para sa mga nagpapahula ng hinaharap.
Dinastiyang Zhou
-Ang Dinastiyang Zhou (1122–256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ngTsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim.
Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.
Dinastiyang Qin
-Ang Dinastiyang Qin (221 - 206 BK) ay pinangunahan ng Dinastiyang Zhou at sinundan ng Dinastiyang Han sa Tsina. Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong 221 BK, ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1912. Ang dinastiyang ito ay nag-iwan ng isang sentralisadong imperyo na gagayahin ng mga susunod na mga dinastiya. Sa rurok ng kanyang kapangyarihan, ang Dinastiyang Qin ay may 40 milyong tao.
Iba Pang Kabihasnan sa Asya
Ang mga Hitito
-Nagmula sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattussas. Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
Ang Chariot ang isa sa mga susi kung bakit laging nagtatagumpay ang mga Hitito.
Ang mga Phoeniciano
-Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing-semitiko ay nananahan sa maunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko, manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut at Byblos. Bagama't hindi naging isang imperyo ang mga unang lungsod ng mga Phoenciano, nagpadala naman sila ng mga tao upang magtatag ng mga kolonya sa Italy, Africa at Spain.
Ang mga Persyano
-Nagmula ang makapangyarihanng imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis, bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon.
KABIHASNAN SA AMERICA
Ang mga Olmec
-Tinatawag na Olmec o mga taong goma (rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 120 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang base culture ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nilikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumusunod na kabihasnan.
Ang mga Teotihuacano
-Matatagpuan sa Lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos"o Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Mula 100 CE ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano at musikero.
Ang mga Mayan
-Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga Diyos.
Ang mga Inca
-Sa Southern America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi mg Kabundukang Andes. Umabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia Ecuador at mga bahagi ng Chile at Argentina. Ang imperyong ito ay tinawag na Inca.
KABIHASNAN SA AFRICA
Ang mga Kushite
-Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting na
kamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.
Ang mga Aksumite
-Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa Hilagang-Silangang bahagi ng Africa.
Isang stelae sa Aksum
Ang Ghana
-Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ang pagsasaka at pagpapanday. Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa Africa.
Ang Mali
-Taong 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali na mula sa anino ng Ghana. Ito ay sa dahilang may mga bagong deposito ng ginto na natagpuan sa kanilang lupain. Nagbunsod ito ng paglipat ng ruta ng mga caravan mula Ghana patungo sa kanilang kaharian.
Isang larawan na ipinakikita si Mansa Musa
Ang Songhai
-Pagsapit ng ika-14 na siglo, isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali. Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan.
SONGHAI EMPIRE
ANG IBANG MGA ESTADO SA AFRICA
Ang mga Hausa
-Ang mga Hausa ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang imperyo ng Songhai. Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau.
Ang Benin
-Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger. Noong ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare. Umabot ito sa kabuuan ng Ilog Niger delta hanggang sa Lagos, Nigeria.
KABIHASNAN SA PASIPIKO
Kulturang Pasipiko
-Ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Kabilang dito ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ito ay binubuo ng libo-libong pulo na tinitirhan ng mga mamamayang nasanay sa kulturang pangkaragatan.
Polynesia
-Ang rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand. Ang pangalang Polynesia ay galing sa mga katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami"at nesos na nangangahulugang "pulo."
Ang inukit sa kahoy ng Maori sa New Zealand ay isa sa mga karaniwang Motif o estilo ng mga katutubo sa bansang iyon.
Micronesia
-Ang Micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas. Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo."
Mapa ng Micronesia
Melanesia
-Ang rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko. Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangunguhulugang "mga pulo." Ang mga pulo ng Melanesia ay tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.
Mapa ng Melanesia